Support
Tao ang sumasagot โ hindi bot. Mag-email sa hoy@tindahanai.com at babalikan ka namin sa pinakamadaling panahon.
Ano ang TindahanAI?
Mobile at web app para sa mga tindero at tindera ng sari-sari store sa Pilipinas, sa kanilang mga supplier at wholesaler, at sa kanilang mga sukang suki.
- Para sa tindera โ inventory, bentahan, utang tracker, pre-orders, direct ordering sa supplier, Gabay AI
- Para sa supplier โ orders dashboard, delivery, bayad, mga suki tindahan
- Para sa suki โ browse tindahan, pre-order, bayad diretso sa GCash o Maya
Lahat ng detalye nasa pricing at features.
Paano mag-delete ng account
Dalawang paraan, pareho ng resulta โ mabubura ang records mo sa parehong schedule (nasa Privacy Policy ยง9):
- Sa loob ng app: Settings โ Account โ Delete Account. Makikita mo ang buod ng mabubura, i-type
DELETEpara kumpirmahin, at magsasara agad ang account. - Sa web: mag-sign-in at buksan ang tindahanai.com/delete-account. Pareho ang two-step confirmation.
Kung hindi ka na makapag-sign-in (nawala ang device, nakalimutan ang password), mag-email mula sa address na nakalagay sa account papunta sa hoy@tindahanai.com at tutulungan ka namin.
Paano mag-report ng problema
Technical bug o sira sa app
- Sa app: Settings โ Help โ Report a Bug
- Sa email: mag-email sa hoy@tindahanai.com na may subject
BUG โ <maiksing paglalarawan>. Isama ang device, OS version, at steps para maulit namin.
Report ng abusive content o behavior
TindahanAI has zero tolerance for objectionable content and abusive users. Pwede mong i-report sa app ang anumang:
- Chat message โ tap-and-hold sa message, piliin ang Report
- Store, listing, announcement, product photo โ tap ang Report button sa page
- User โ tap ang profile, piliin ang Report o Block
Sinusuri namin ang bawat report sa loob ng 24 oras. Pwede naming tanggalin ang content at i-suspend ang gumawa, depende sa lala. Nakadetalye sa Terms ยง7.
Para sa appeals (naapektuhan ka ng aming aksyon na sa tingin mo'y mali): email hoy@tindahanai.com na may konteksto.
Billing o refund
Mag-email sa hoy@tindahanai.com na may subject BILLING o REFUND at reference number ng bayad. Nakadetalye sa Refund Policy.
Privacy at data
Sa Privacy Policy nakadetalye ang lahat ng karapatan mo sa ilalim ng RA 10173 (Data Privacy Act). Para humiling ng access, correction, o pagbura: email hoy@tindahanai.com. Sumasagot kami sa loob ng 15 working days.
Kung hindi ka pa satisfied, pwede mong dalhin sa National Privacy Commission โ privacy.gov.ph.
Makipag-ugnayan
Email: hoy@tindahanai.com
TINDAHANAI SOFTWARE PUBLISHING SERVICES DTI Business Name No. 8532918 SORSOGON CITY, SORSOGON, Philippines